Linggo, Setyembre 27, 2015

PANAGINIP NG ISANG BILANGGO


"PANAGINIP NG ISANG BILANGGO"

Akoý nalulungkot, diwaý namamanglaw
Ang matang luhaan sa akin pumukaw
Nang mag-ina ko, aking natatanaw
Liwanag sa dilim, ay biglang lumitaw

Anak koý sanggol pa nang aking iniwan
Ang paglaki niyaý di ko na nasilayan
Ni halik ay di ko man nadampian
Dahil ako ngayon ay nasa piitan

Bakit ba ganito ang nararanasan?
Nagtitiis, kahit walang kasalanan
Ang laya ko ngayon ay hinihigpitan
At labis-labis na pinarurusahan.

Ang aking pagkaway, ay may kahulugan
Ang aking mag-ina, nais kong mahagkan
Nang liwanag ay lumaho’t napalitan
Diwaý nagising, ako pala’y nanaginip lamang.