Lunes, Agosto 22, 2016

Bakit ako nagkulang?


BAKIT AKO NAGKULANG?
Ni: Shiela Mae G. Esitan BSED-Filipino

Ako ang inhinyero ng gusaling matayog
Ako ang arkitektong nagdisenyo nito
Ang pagbuo nito ay nakasalalay sa aking mga kamay.

Itinanim, diniligan at ako ang mamimitas
ng mga prutas sa matataas na punongkahoy sa aming bakuran.

May bahaghari namang lumilitaw pagkatapos ng ulan
Hirap at dusa man ay mararanasan
Tatangis man nang pagkalakas-lakas
Alam kong pagkatapos nito, ngiti sa aking labi ang maisisilayan
Dahil mga hangarin ko ay akin nang matutupad.

Ngunit, isang ulan na pagkalakas-lakas
Kulog at kidlat na kasindak-sindak
Ang gumiba ng lahat-lahat na pinamulaklakan mula pa pagkabata.

Ang gusaling matayog ay nagiba
Hindi na mamumunga ang punogkahoy sa aming bakuran
At wala nang bahaghari, pagkatapos ng ulan
Dahil ang lahat ng ito’y pawang abong wala ng buhay.