BAKIT
AKO NAGKULANG?
Ni:
Shiela Mae G. Esitan BSED-Filipino
Ako ang inhinyero ng
gusaling matayog
Ako ang arkitektong
nagdisenyo nito
Ang pagbuo nito ay
nakasalalay sa aking mga kamay.
Itinanim, diniligan at ako
ang mamimitas
ng mga prutas sa matataas na
punongkahoy sa aming bakuran.
May bahaghari namang
lumilitaw pagkatapos ng ulan
Hirap at dusa man ay
mararanasan
Tatangis man nang
pagkalakas-lakas
Alam kong pagkatapos nito,
ngiti sa aking labi ang maisisilayan
Dahil mga hangarin ko ay
akin nang matutupad.
Ngunit, isang ulan na
pagkalakas-lakas
Kulog at kidlat na
kasindak-sindak
Ang gumiba ng lahat-lahat na
pinamulaklakan mula pa pagkabata.
Ang gusaling matayog ay
nagiba
Hindi na mamumunga ang
punogkahoy sa aming bakuran
At wala nang bahaghari, pagkatapos
ng ulan
Dahil ang lahat ng ito’y
pawang abong wala ng buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento