Tayo’y pinagtagpo nang hindi
inaasahan
Umibig ang puso nang hindi
namamalayan
Puso’t damdamin ay
nagkaunawaan
Alam kong ang mga ito ay may
dahilan
Mga kamay mo ang naging
sandalan
Laging nandiyan tuwing may pangangailangan
Pinapawi ang lungkot at
hinagpis na nararamdaman
Palagay ko’y, ikaw na ang sa
akin inilaan
Pagsasamaha’y hinubog ng panahon
Minsan narin tayong sinubok
ng pagkakataon
Nagkalayo ma’t nawalan ng
komunikasyon
Hiling ko pa rin ay maitama
ang mga pagkakamaling
nagawa natin noon
Sa wakas panalangin ko’y pinakinggan at nagkatotoo
Tayo’y binigyan ng
pangalawang pagkakataon
At sinisikap na maging
matatag itong relasyon
Dahil tayo’y pinagtagpo ng
Panginoon
Malayo ka man at hindi
nakasasama
Ikaw pa rin ay nasa
puso ko, sinta
Sana nama’y pag-ibig
mo’y hindi na magmamaliw pa
Dahil ako’y nag-aasam na ikaw
na, ikaw na sana
Isang prinsesa ang nagpamulat
sa ating dalawa
Prinsesang anghel , na biyaya
ang dala
Prinsesang sa atin ay nagpapasaya
Sana naman tayo ay maging
isang masayang pamilya
Mahal, tatagan mo ang iyong
loob
Dahil ganyan din ang ginagawa
ko
Pilit na nilalagpasan ang mga
pagsubok na ito
Dahil tagumpay natin ang
aking gusto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento