“Aking
Nena”
Madilim… naging madilim ang buhay na
dating may sigla. Ako’y nababalot ng kalungkutan at pighati. Ako ay mistulang
laruan na pinaiikot sa kamay ng demonyong maituturing. Demonyong nagsamantala
ng aking puri, mga demonyong nangdudura sa aking katawan. Bakit ako naging
ganito?Bakit ako naging ganito?
Kalian ko kaya masisilayan ang aking
Nena? Ang aking Nena na sa gabi’y naririnig ko ang kaniyang pagtangis… ang kaniyang
pagsaklolo at maging ang pagtawag niya sa akin. Ginawa rin ba siyang katulad sa
akin? Hindi… Hindi iyan maaari… Diyos
ko? Bakit kami pa ng aking Nena? Bakit??
Walang oras na hindi ako tumatangis.
Sa bawat patak ng aking mga luha, kaakibat nito ang pag-aalala sa aking Nena.
Gabi-gabi ako’y sumisigaw ng saklolo na sana’y may mahabag sa akin. Ngunit,
pawang bingi ang paligid. Walang may nakaririnig ng aking pagsambit. Wala kong
may nakikita sa lugar na ito, maliban sa mga mukha ng demonyong humahamplos,
nangdudura at naglalaro sa aking katawan. Wala na akong maipagmamalaki pa sa
aking Cardo. Wala na… Waring ako’y isang PUTANG walang kuwenta! Wala nang
kuwenta!
Hayan
na naman, naririnig ko ang pagkatok mula sa pintuan. Palakas nang palakas ang
pagkatok!! Ayaw kong marinig ang pagkatok na iyan! Nabibingi ako… Nabibingi ako
maging sa lakas ng tibok ng aking dibdib. Ayan na, unti-unting lumiliwanag ang
silid. Wala akong magawa kundi yakapin ang sariling katawan, magpikit ng aking
mga mata at pilit na magsisiksik sa isang sulok. Isang walang hiyang demonyo na naman ang
papasok sa aking kaluluwa. Inaasahan ko na ang susunod na mangyayari. Ngunit,
mali sa aking inaasahan ang aking nakita. Nasilayan ko ang babaeng dala-dala
ang aking Nena. Hindi ako nagdalawang-isip na tumakbo para kunin ang aking
Nena… ang aking Nena na matagal ko nang ninais mahagkan. Ang aking Nena na nais
kong maikandong sa aking mga bisig… ang
panandaliang liwanag ay nabalot ng dilim. Ang aking mga luha’y patuloy pa rin
na pumapatak. Wala na ang pulang lasong nakapusod sa kaniyang mangilaw-ngilaw
na buhok. Kupas na ang mapupulang labing kinagigiliwan ko noon, maging ang
magandang bestidang regalo ko sa kaniya noon. Kaawa-awang anak ko…!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento