Huwebes, Oktubre 8, 2015

"BANGKA"


Naisulat ko ang tulang ito bilang pagbibigay pugay sa mga mangingisdang may tapang na harapin ang bawat along sumusubok na pataubin ang bangkang sinasakyan. Ang mga mangingisda ay tunay na matatapang, kinakaya nga lahat, maiangat lamang ang pamilya sa gutom.     
        - MAY-AKDA



                                            " BANGKA"

Hampas ng along nakaatakot
Bangka ni amaý nasa laot
Pilit na nilalabanan ang pagod
Upang kami ni inaý maitaguyod
At sa hirap, ‘di malunod

Panggamba ni inaý, ‘di matapos-tapos
Araw-araw, sa altar nakaluhod
Dinadalanging si amaý ligtas at biyayaan nang lubos
Nang si Inaý mapanatag at akoý makapagtapos
Hito’t galunggong, ang sa Bangka ni ama, sanaý naroroon.

Naalala ko pa noon, ang sabi ni ama
Ang buhay ay parang isang bangka
Sumasabay sa alon ng buhay
Kung hindi matibay ang iyong pagkakagawa
Tiyak tataubin ka’t lulunurin pa.

Kaya,ayaw ni ama, akoý matulad sa kaniya
Sa laot na ang naging buhay, mula pagkabata
Akoý pinag-aral, nang may maipagmamalaki siya
Wika niya pa noon,“Ang anak ng mangingisda ay ‘di mananatiling mangingisda,
Kundi maaaring maging isang magaling na maestra“.




"KALAYAAN, NASA ATIN NA NGA BA?"

          Bago paman naging Demokrasya ang ating Bansang Pilipinas at bago paman nagkaroon ng kalayaan ang ating bansa, lubhang katangis-tangis ang mga naging karanasan noon ng ating mga ninuno.Tila mga bihag na nakagapos ang kanilang mga kalayaan. Tila mga pipi't bulag na hinahayaang nakatikom ang mga bibig at nakapikit ang mga mata nang di makakontra sa mga kapintasang nararanasan.

          Paano nga ba ito kinaya ng ating mga ninuno noon? Halatang takot sila at sumunod na lamang nang di na mapahamak pa. Nang dahil sa mga kapintasang ito, natuto ang mga Pilipinong maghimagsik laban sa mga taong mapang-api at mapanghusga. Nagpakabayani ang iilan upang mamuno sa pag-aaklas. Isa na rito sina Andres Bonifacio, Antonio Luna, Gregorio Del Pilar, na nakipaglaban gamit ang sandata samantala sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, at Juan Luna na nakipaglaban gamit ang kanilang mga talento at kasanayan sa pagsusulat at pagguhit. Kung kaya, sila ay pinupuri nang lubos. 

      Nang umupo bilang presidente si Corazon Aquino, nakamit ng mga Pilipino ang demokrasya. Demokrasyang nagbigay ng kalayaan at karapatan sa mga Pilipino. Ang dating mga pipi't bulag sa mga pangyayari ay ngayo'y mga aktibista na naninindigan sa kanilang mga prinsipyo't karapatan. Sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan, nakamit na nga ba natin ang tunay na kalayaan? Oo, nakapagrereklamo tayo sa mga maling gawi ng ating gobyerno, may mga medyang tagasubaybay sa mga maling kilos na nangyayari sa ating kapaligiran. Ngunit sa ating mga sarili? Tunay nga bang nakakamtan natin ito? o tayo'y nagbubulag-bulagan lang?


Linggo, Oktubre 4, 2015

"MAGITING NA HENERAL"




"PAGKILATIS SA PELIKULANG HENERAL LUNA"

Isang pelikulang sumilip sa isang makasaysayang kaganapan sa pagtatanggol ng Bayang Pilipinas.Pinamulat sa mga Pilipino kung paano maging Bayani para sa sariling bayan at buhay ang inalay dahil sa pagmamahal sa Lupang Tinubuan. Isang madugong labanang nag-udyok sa mga Pilipino sa pagkamit ng tunay na kalayaan. Hindi man tayo naging saksi sa mga kaganapang ito. Subalit, kinakailangang maging bukas ang ating isipan para tuklasin ang mga kaganapan sa nakaraan.Kinakailangang bigyang puri ang pagkabayani ng ating mga ninuno para ipagtanggol ang ating sariling Bayan.Magsisislbi itong tulay upang mas maging mapagmahal pa tayong mga Pilipino sa ating sariling bayan. Magiging daan ito upang mas mas magkaroon pa ng pagkakaisa sa bawat Pilipino.


ELEMENTO NG PELIKULA

Sequence ng Iskip



Kapansin-pansin na may halong kastila ang pananalita ng mga tauhan sa pelikula. Hindi man ito purong tagalog, subalit kapansin-pansin na sadyang matalinhagan ang kanilang pagpapahayag ng mga linya na talagang makapagpapaisip sa mga manonood kung ano ang ibig sabihin ng kanilang mga isinasabi. Kung hindi kritikal ang pag-iisip ng isang manonood, tiyak mahihirapan siya para intindihin ito. Masasabi ko rin na dahil sa makata ang mga tauhan sa pelikula, kinakailangang makata rin ang paggawa ng mga iskrip base sa kung sino ang magpapahayag nito. Bagama't may napansin ako sa mga ekspresyon ng mga tao noong unang panahon,dahil na rin sa impluwensiya ng mga kastila, natuto ang mga Pilipinong magmura at magsalita ng mga hindi magagandang salita.

Pananaliksik


Ang Pelikulang Heneral Luna ay isang makasaysayang pelikula. Hindi maisasagawa ang pelikulang ito kung walang sapat na impormasyon at pananaliksik sa mga mahahalagang pangyayari noong unang panahon nang sinubukan ng mga Amerikano na sakupin ang ating Inang Bayan. Ito ay ginawa base sa kasaysayan, kung kaya kinakailangana ng masusing pananaliksik

Sinematograpiya

Hindi maipagkakailang maganda ang mga kuha ng lente ng Kamera sa Pelikula. Lalo pa’t talagang ipinapakita ang mga eksenang sa tingin mo ay hindi mo kayang panoorin dahil sa ito ay maseselan at puro patayan. Subalit, kung atin bigyang halaga ang bawat "shots" mayroon sa bawat eksena, mayroon itong pinagbibigyang diin. Balikan natin ang pelikula, nang si Heneral Luna ay nasa kaniyang silid kasama ang kaniyang ina at tila balisa sa mga bagay-bagay, nagkakaroon ang eksenang ito ng “flashbacking” noong siya ay bata pa lamang kasama ang kaniyang pamilya na masaya at maligaya. Sa pagkukuwento ng kaniyang ina tungkol sa kanilang nakaraan, nag-iiba ang bawat tagpo at maganda ang “transition” na nagaganap sa bawat pangyayari. Dagdag pa rito, nang nakaupo si Heneral Luna sa taas ng bundok, ang kuha ay paitaas o ang tinatawag nating “Bird’s eye view”. Ipinapakita dito na kay liit-liit ni Heneral Luna at tila marami ang kaniyang mga kalaban at sa subrang liit niya, siya ay nag-iisa para ipagtagumpayan ang kaniyang mga layunin bilang isang Heneral.Subalit, ipinapakita parin ng Heneral na siya ay matatag at ipinaglalaban niya ang kaniyang sariling bayan. May mga kuha din na tinatawag nating "close-up" na sa bawat daloy ng dugo mula sa ulo ng isa sa mga Comandante ni Heneral Luna, binibigyang diin na sa bawat pagmamaktol ay hindi imposibleng dugo ang dadaloy.

Musika/Tunog:

Ang musika ang nakapagdagdag ng emosyon at empasis sa bawat eksena. kpansin-pansin na kapag seryoso ang eksena, seryoso din ang musika. Kapag malungkot ang eksena, malungkot din ang musika. Ngunit, ang pelikulang ito ay hindi naman purong seryoso ang bawat eksena, kapansin-pansin na kapag naririyan sa eksena ang isa sa mga komendante ni Heneral Luna , nag-iiba ang musika at napapalitan ito ng tila nakakatawang musika, kung kaya kaming mga manonood ay natatawa rin.Kung kaya, hindi nagiging boring ang pelikula dahil nilapatan ito ng iba't ibang tunog at musika

Disenyong Pamproduksiyon

Kung maganda ang mga nailapat na mga musika at ang bawat kuha ng mga eksena, hindi rin maipagkakailang maganda rin at naangkop ang disenyong Pamproduksiyon mayroon ang bawat eksena. makikita ang mga lumang simbahan, lumang kasuotan ng mga tauhan, lumang sasakyang pangtransportasyon na kung saan ito ay ang karwahe, maging ang mga lumang kasangkapan mayroon ang mga Pilipino noong unang panahon. Hindi maipagkakailang, gumasta ng milyon-milyon ang peilukang ito upang gawing makatotohanan ang bawat tagpo na makikita sa pelikula.

Pagdidirhe:

Magagaling ang mga artistang kinuha sa pelikula at napagtagumpayan nilang gampanan ang bawat gampanin nila sa pelikula. Sa pagdidirhe ng pelikula, may mga Amerikanong kinuha bilang tauhan upang mas maipahayag ng makatotohanan ang pelikula. Ganun din naman ang bawat tagpo ay may angkop na disenyong pamproduksiyon at maging ang mga linya ay talagang makatang-makata.

Huwebes, Oktubre 1, 2015

"SINO NGA BA AKO?"


"SINO NGA BA AKO?"


Ako ang masayahing batang nagsusumikap

Para sa ikatatagumpay ng aking mga pangarap.


Ako ang matapang at tunay na lumalaban,

Lahat kinakaya at walang pinagsusukuan.


Ako ang taong maiyakin, kapag nasasaktan

Bawat pag-iyak koý, may pinapakahulugan.


Ako ang simpleng taong, walang pinapasino,

Hanggat nasa tama ang pinaninindigang prinsipiyo.


Ako ang taong hinding-hindi magpapa-api,

Pagka’t isinilang akong huwag maging api.


Ako ang taong sa bagay marunong makuntento

Di namimilit sa kung ano ang wala ako’.


Iyan ay ako, di kailangang magbalat-kayo

Para magustuhan lamang ninyo


Pagkat ang totoong ako, di ko tintago

Dahil, ako ay ipinanganak nang ganito.

SILONG


"SILONG"

Ang tahanang puno, ng pagmamahalan
Masigla kahit na, may pinagdadaanan
Maliit man kung itoý, iyong titingnan
Ngunit loob ay puno ng kagandahan

Mga pangarap ko, ay dito nabuo
Talento koý dito, nahubog nang husto
Ang aking pamilya ang naging modelo
Sapagkat, sila ay huwarang totoo.

Ang tahanang ito, ang nakakaalam
Ng mga problemang, hindi sinukuan
Sina ama’t ina ang naging sandigan
Kaya’t pagmamahalaý masasaksihan

Naalala ko pa ang tugon ni ina
Pag-aaral ay atupagin muna
Nang ang buhay ay magiging masagana
At tahanang ito’y may maibubunga.