Linggo, Oktubre 4, 2015

"MAGITING NA HENERAL"




"PAGKILATIS SA PELIKULANG HENERAL LUNA"

Isang pelikulang sumilip sa isang makasaysayang kaganapan sa pagtatanggol ng Bayang Pilipinas.Pinamulat sa mga Pilipino kung paano maging Bayani para sa sariling bayan at buhay ang inalay dahil sa pagmamahal sa Lupang Tinubuan. Isang madugong labanang nag-udyok sa mga Pilipino sa pagkamit ng tunay na kalayaan. Hindi man tayo naging saksi sa mga kaganapang ito. Subalit, kinakailangang maging bukas ang ating isipan para tuklasin ang mga kaganapan sa nakaraan.Kinakailangang bigyang puri ang pagkabayani ng ating mga ninuno para ipagtanggol ang ating sariling Bayan.Magsisislbi itong tulay upang mas maging mapagmahal pa tayong mga Pilipino sa ating sariling bayan. Magiging daan ito upang mas mas magkaroon pa ng pagkakaisa sa bawat Pilipino.


ELEMENTO NG PELIKULA

Sequence ng Iskip



Kapansin-pansin na may halong kastila ang pananalita ng mga tauhan sa pelikula. Hindi man ito purong tagalog, subalit kapansin-pansin na sadyang matalinhagan ang kanilang pagpapahayag ng mga linya na talagang makapagpapaisip sa mga manonood kung ano ang ibig sabihin ng kanilang mga isinasabi. Kung hindi kritikal ang pag-iisip ng isang manonood, tiyak mahihirapan siya para intindihin ito. Masasabi ko rin na dahil sa makata ang mga tauhan sa pelikula, kinakailangang makata rin ang paggawa ng mga iskrip base sa kung sino ang magpapahayag nito. Bagama't may napansin ako sa mga ekspresyon ng mga tao noong unang panahon,dahil na rin sa impluwensiya ng mga kastila, natuto ang mga Pilipinong magmura at magsalita ng mga hindi magagandang salita.

Pananaliksik


Ang Pelikulang Heneral Luna ay isang makasaysayang pelikula. Hindi maisasagawa ang pelikulang ito kung walang sapat na impormasyon at pananaliksik sa mga mahahalagang pangyayari noong unang panahon nang sinubukan ng mga Amerikano na sakupin ang ating Inang Bayan. Ito ay ginawa base sa kasaysayan, kung kaya kinakailangana ng masusing pananaliksik

Sinematograpiya

Hindi maipagkakailang maganda ang mga kuha ng lente ng Kamera sa Pelikula. Lalo pa’t talagang ipinapakita ang mga eksenang sa tingin mo ay hindi mo kayang panoorin dahil sa ito ay maseselan at puro patayan. Subalit, kung atin bigyang halaga ang bawat "shots" mayroon sa bawat eksena, mayroon itong pinagbibigyang diin. Balikan natin ang pelikula, nang si Heneral Luna ay nasa kaniyang silid kasama ang kaniyang ina at tila balisa sa mga bagay-bagay, nagkakaroon ang eksenang ito ng “flashbacking” noong siya ay bata pa lamang kasama ang kaniyang pamilya na masaya at maligaya. Sa pagkukuwento ng kaniyang ina tungkol sa kanilang nakaraan, nag-iiba ang bawat tagpo at maganda ang “transition” na nagaganap sa bawat pangyayari. Dagdag pa rito, nang nakaupo si Heneral Luna sa taas ng bundok, ang kuha ay paitaas o ang tinatawag nating “Bird’s eye view”. Ipinapakita dito na kay liit-liit ni Heneral Luna at tila marami ang kaniyang mga kalaban at sa subrang liit niya, siya ay nag-iisa para ipagtagumpayan ang kaniyang mga layunin bilang isang Heneral.Subalit, ipinapakita parin ng Heneral na siya ay matatag at ipinaglalaban niya ang kaniyang sariling bayan. May mga kuha din na tinatawag nating "close-up" na sa bawat daloy ng dugo mula sa ulo ng isa sa mga Comandante ni Heneral Luna, binibigyang diin na sa bawat pagmamaktol ay hindi imposibleng dugo ang dadaloy.

Musika/Tunog:

Ang musika ang nakapagdagdag ng emosyon at empasis sa bawat eksena. kpansin-pansin na kapag seryoso ang eksena, seryoso din ang musika. Kapag malungkot ang eksena, malungkot din ang musika. Ngunit, ang pelikulang ito ay hindi naman purong seryoso ang bawat eksena, kapansin-pansin na kapag naririyan sa eksena ang isa sa mga komendante ni Heneral Luna , nag-iiba ang musika at napapalitan ito ng tila nakakatawang musika, kung kaya kaming mga manonood ay natatawa rin.Kung kaya, hindi nagiging boring ang pelikula dahil nilapatan ito ng iba't ibang tunog at musika

Disenyong Pamproduksiyon

Kung maganda ang mga nailapat na mga musika at ang bawat kuha ng mga eksena, hindi rin maipagkakailang maganda rin at naangkop ang disenyong Pamproduksiyon mayroon ang bawat eksena. makikita ang mga lumang simbahan, lumang kasuotan ng mga tauhan, lumang sasakyang pangtransportasyon na kung saan ito ay ang karwahe, maging ang mga lumang kasangkapan mayroon ang mga Pilipino noong unang panahon. Hindi maipagkakailang, gumasta ng milyon-milyon ang peilukang ito upang gawing makatotohanan ang bawat tagpo na makikita sa pelikula.

Pagdidirhe:

Magagaling ang mga artistang kinuha sa pelikula at napagtagumpayan nilang gampanan ang bawat gampanin nila sa pelikula. Sa pagdidirhe ng pelikula, may mga Amerikanong kinuha bilang tauhan upang mas maipahayag ng makatotohanan ang pelikula. Ganun din naman ang bawat tagpo ay may angkop na disenyong pamproduksiyon at maging ang mga linya ay talagang makatang-makata.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento