Huwebes, Oktubre 8, 2015

"KALAYAAN, NASA ATIN NA NGA BA?"

          Bago paman naging Demokrasya ang ating Bansang Pilipinas at bago paman nagkaroon ng kalayaan ang ating bansa, lubhang katangis-tangis ang mga naging karanasan noon ng ating mga ninuno.Tila mga bihag na nakagapos ang kanilang mga kalayaan. Tila mga pipi't bulag na hinahayaang nakatikom ang mga bibig at nakapikit ang mga mata nang di makakontra sa mga kapintasang nararanasan.

          Paano nga ba ito kinaya ng ating mga ninuno noon? Halatang takot sila at sumunod na lamang nang di na mapahamak pa. Nang dahil sa mga kapintasang ito, natuto ang mga Pilipinong maghimagsik laban sa mga taong mapang-api at mapanghusga. Nagpakabayani ang iilan upang mamuno sa pag-aaklas. Isa na rito sina Andres Bonifacio, Antonio Luna, Gregorio Del Pilar, na nakipaglaban gamit ang sandata samantala sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, at Juan Luna na nakipaglaban gamit ang kanilang mga talento at kasanayan sa pagsusulat at pagguhit. Kung kaya, sila ay pinupuri nang lubos. 

      Nang umupo bilang presidente si Corazon Aquino, nakamit ng mga Pilipino ang demokrasya. Demokrasyang nagbigay ng kalayaan at karapatan sa mga Pilipino. Ang dating mga pipi't bulag sa mga pangyayari ay ngayo'y mga aktibista na naninindigan sa kanilang mga prinsipyo't karapatan. Sa mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan, nakamit na nga ba natin ang tunay na kalayaan? Oo, nakapagrereklamo tayo sa mga maling gawi ng ating gobyerno, may mga medyang tagasubaybay sa mga maling kilos na nangyayari sa ating kapaligiran. Ngunit sa ating mga sarili? Tunay nga bang nakakamtan natin ito? o tayo'y nagbubulag-bulagan lang?


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento